A ko ay nagpasiya na ihahayag ko ang aking pagninilaynilay na ito sa aking katutubong wika. Maalala ng ilan kong mambabasa na aking nabanggit sa isa sa mga nauna kong sulatin na noong bagong dating ako dito sa bansang Amerika, sumapit ang punto na ako ay nagsawa sa pasasalita ng wikang Inglis. Upang maibsan ang aking pananabik sa bagay na ito, aking kinakausap ang aso ng aking kabiyak. Sumalangit nawa ang kayang asong kaluluwa at harinaway nasa langit na sya ng mga aso. Isang katanungan ang umiikilkil sa aking mapagusisang kaisipan, - Paano mo masusukat ang kulungkutan ng isang Pilipino na naninirahan sa banyagang lupain? Sinasabi ng marami na tayo ay likas na madaling matutu sa gawi at asal ng ating inampong bayan, at ayon na rin sa mga karanasan ng mga Pilipino na matagal ng naninirahan dito, sa loob nga limang taon, nga mga baguhan ay narahuyo na sa buhay Amerika; ang pagnanasa niya sa kanyang inang bayan ay pagbugso bugso na lang...