Skip to main content

Hilod at Tabo





Ako ay nagpasiya na ihahayag ko ang aking pagninilaynilay na ito sa aking katutubong wika.  Maalala ng ilan kong mambabasa na aking nabanggit sa isa sa mga nauna kong sulatin na noong bagong dating ako dito sa bansang Amerika, sumapit ang punto na ako ay nagsawa sa pasasalita ng wikang Inglis. Upang maibsan ang aking pananabik sa bagay na ito, aking kinakausap ang aso ng aking kabiyak.  Sumalangit nawa ang kayang asong kaluluwa at harinaway nasa langit na sya ng mga aso.

Isang katanungan ang umiikilkil sa aking mapagusisang kaisipan, - Paano mo masusukat ang kulungkutan ng isang Pilipino na naninirahan sa banyagang  lupain? Sinasabi ng marami na tayo ay likas na madaling matutu  sa gawi at asal ng ating inampong bayan, at ayon na rin sa mga karanasan ng mga Pilipino na matagal ng naninirahan dito, sa loob nga limang taon, nga mga baguhan ay narahuyo na sa buhay Amerika; ang pagnanasa niya sa kanyang inang bayan ay pagbugso bugso na lang at hindi kasing higpit ng dati.

Ating harapin na ang buhay sa kanluraning bayan  ay mas maalwan at ang pagkakataon sa pag unlad ay kasukat lamang ng iyong talino at tapang ng loob. Ang pag aari ng kotse sa Pilipinas ay maituturing na pag angat  sa estado sa buhay, ngunit dito ito ay pangangailangan; kadalasan ang mga Amerikanong Pinoy pag umuwi sa Pilipinas, sila ay larawan ng tagumpay, kaligayahan at kayamanan.  Kaya?

Ang iba ay tahasang ipinagmamalaki at ipinamumukha sa kanilang kababayan na hindi na nila alam ang gawing Pilipino, takot sa lamok,  pagtili sa  butiking gumagapang  sa dingding, langgam sa ilalim ng mesa, pag aglahi sa nakakabaliw na trapiko sa kalsada ng EDSA, pagdaing sa mala hurnong init ng panahon, pagkasuklam sa tanawin ng bundok ng basura at ang walang pakundangan na pag hahalintulad ng kanyang ampong bayan sa Pilipinas.

 Maaring sila ay may katuwiran , subalit sa isang anggulo, pakaisipin mo na ikaw ay nasa bansang dahop, ano ang dapat mong asahan?  Sa aking palagay, ang ating ibang kababayan na umaasal ng ganito, ang turing nila sa kanilang sarili , sila ay isa ng banyaga at hindi na Pilipino.  Ang pananaw na ito ay nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan na mamintas at aglahiin ang kayang bayang sinilangan.   Tumpak kaya ang aking pagtataya na ang mga ito ay hindi na naghahangad o  nalulumbay sa kanilang tunay na bayan kung sila ay nasa bansang kanluranin? Nahirati na talaga sila sa buhay banyaga?

Minsan naiisip ko din ang kaginhawaan sa pamumuhay dito sa Amerika, ang bahay kong ladrilyo ay mainit sa taglamig at malamig sa taginit, malinis ang daan, ang aking alagang pusa ay may sariling manggagamot, maraming librong mahihiram sa aklatan, ang alagad ng batas at bombero ay madaling abisuhan .....

Ngunit habang ako ay gumagamit ng tabo sa aking palikuran, gumagamit ng hilod sa aking bukong bukong at talampakan, at ang butas ng aking ilong ay naghahanap ng amoy ng dinaing na dilis, sa isang sulok ng aking katawan, maaring ito ay sa aking puso, lapay o apdo, ang aking pangungulila sa aking bayan ay naandoon pa din at ito ay napapawi lamang saaking pagdalaw sa aking bayang sinilangan.



 













Comments

Popular posts from this blog

Kermit and Mickey Mouse , Sad

I am a sucker for old fashion cartoons that I can proudly admit that I saw Snow white and the Seven Dwarfs more than I can count my fingers and toes; unabashedly cried when the great King Mufasa died and Simba tried to wake him up, commiserate with  Miss Piggy in her unrequited love for Kermit and other emotional display of affection to these animated personalities that I won't mention for it will totally make me look beyond silly . I n May of 1990, the creator of the Muppets, Jim Henson died.  I saw a tribute from the Disney artist of a drawing of Kermit the Frog being consoled by Mickey Mouse on the death of Kermit's creator.  That drawing created an imprint on my mind the idea of  raw sadness associated with death. Ironic that non living cartoon characters could invoke such  cogent feeling in me, on issue of death.  Here is the photo I am talking about:  T here is a colored version of this but I was still digging up the Internet and up to this point I have no lu

Stanley Ketchel by Manuel A. Mora

Vertically challenged we the Filipinos are, yet we love the sport of basketball where height is definitely a might.  Growing up with my older brother in one television household,  my chances of watching my favorite shows were remote as me winning jueteng (local numbers game) when the pro basketball season was on. Boxing is another sport that Filipinos have affectation for.  I think we have better chances to succeed  in this sport, we have the physical built and mental toughness to survive in the pugilist arena.   Interestingly, a nephew of my husband, Manuel Mora recently published his book , Stanley Ketchel  A Life of Triumph and Prophecy , and it's out in the market.  It's an engaging story of an American boxer, I had read the rough draft of the book and I am pretty adamant that this will be a  good read. Check out the book especially if you are a boxing aficionado or just to learn the life of an unsung American Boxer - Stanley Ketchel.  Click on the

A question is a question and forever a question

I was the last child of my mother, she died when I was a baby at the age of 40. Being motherless and with other 9 siblings to contend with ,ain't no fun.  People, successful or the opposite of what a succes should be are often asked, would you change the story of your life  if you are given the chance? Answer of  course would be relative, who would want to be a hobo all their lives; Bill Gates will say no, I am betting my last dollar on it.  After ruminating the events that had transpired from the day I saw the daylight (not even sure if I was born on daytime or at night) to where I am right now (a happy married life, good health, loving family and friends; and a demanding cat) there is only one thing I would change. I wish my mother had not died young.  But I believe there is no such thing as untimely death. If its your time its your time, no ifs and buts.  My siblings and I often wonder the scenario if Nanay is alive. What would she look like at old age, will the direction of